I had two credit cards when I was working abroad.

Nagsimula sa Dirhams 5,000 ang maximum limit ko, hanggang lumaki, nang lumaki.

One bank gave me 35,000 Dirhams credit card limit and the other 16,000 Dirhams naman.

Good payer daw kasi ako.

A lot of OFWs are stuck abroad, dahil sa utang.

Kahit gustung-gusto na nilang mag for-good, hindi nila magawa dahil sa utang.

Ganun din ako dati.

Kahit gusto ko ng mag for good, hindi pwede dahil may utang pa ako.

Isa sa mga rason why I joined MLM ay para makabayad ng utang at makapag-for good.

When I was already earning big amount of money as virtual assistant even while working abroad, kahit may utang pa ako, me and my husband decided to take the leap back home for good.

Ooops, hindi ko po tinakbuhan yung utang ko ha…. 🙂

Sa Pilipinas ko na tinuloy ang pagbabayad sa credit card debts ko.

My point here is…

My debts did not stop me from being with my family.

With God’s grace, today, I have fully paid one of my credit card debts and working out on zeroing out the other.

Malapit na rin. Hopefully hanggang December 2018 na lang. Yun ang target ko and I will do my best.

Pero pag di kinaya o di maybe March 2019. Life is full of second chances naman di ba?.

BUT was it easy? NO, walang madali sa mundo.

BUT was it WORTH the the hard work? Was it WORTH the risk to take the leap back home for good and be full-time virtual project manager working from home?

YES, being with my family everyday is priceless.

If you have good intentions, God will always support you.

I hope I inspired you with my utang story recovery.  🙂